Tom, Carmina, Elizabeth, may kuwento ng kababalaghan sa gitna ng trabaho

0
20
Tunay na kababalaghan o pinaglalaruan lamang ng isipan? Panoorin ang kuwento ng kababalaghan na na-experience nina (mula kaliwa) Tom Rodriguez, Carmina Villarroel, at Elizabeth Oropesa

Habang nasa gitna ng paggawa ng isang horror film, nakaranas daw ng kababalaghan si Tom Rodriguez.

Kuwento ng Kapuso actor, naging paborito raw niyang kausap ang isang bata na bumibisita sa set tuwing umaga.

Kakulitan daw niya ang bata at napakabibo na nakikialam kung paano ang tamang pagsuot ng kanyang costume.

Nang matapos ang shoot nila’t balikan nila ang bata sa lugar ng pinag-shooting-an nila, wala naman palang nakakakilala sa batang iyon sa lugar at hindi na nila ito makita roon.

Basahin ang buong detalye ng kuwento tungkol sa batang ito rito: Sino ang misteryosong bata na nakilala ni Tom Rodriguez sa Maledicto shooting?

Kuwento naman ni Carmina Villrroel, na habang ginagawa nila ang isang horror film sa isang ospital, nagsimulang maputukan ang mga ilaw nila sa set. Aniya, tila may mga nagagambala sila at pinatitigil na sila sa pagtatrabaho.

Ang The Gift star naman na si Elizabeth Oropesa na isang licensed acupuncturist, ikinuwento ang pagpaparamdam ng patay nang mister ng isa niyang pasyente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here