Julia Barretto deletes latest IG post after eliciting hate comments

0
115

IMAGE Courtesy: @juliabarretto on Instagram

Julia Barretto reposts on Instagram a message about moving on, but deletes after 30 minutes because of hate comments.


Umani muli ng samu’t saring pambabatikos ang bagong post sa Instagram ni Julia Barretto.

Ni-repost ng Kapamilya actress ang isang tula na isinulat ni Sheleana Aiyana at nailathala sa Instagram account na @risingwoman noon pang June 16.

Tungkol sa pagiging matatag at pagmu-move on.

Ni-repost ito ni Julia sa kanyang Instagram ngayong gabi ng Martes, July 30.


Naka-open ang comments section ng post na ito ni Julia, ngunit karamihan ng mga komento rito ay negatibo.

Dito inungkat ng ilang netizens ang pagkakasangkot ni Julia sa breakup nina Gerald Amderson at Bea Alonzo.

Pero pagkalipas lamang ng halos 30 minuto, binura rin ni Julia ang kanyang post na may halos 1,200 comments na.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

THIRD-PARTY ISSUE

Hindi pa rin mamatay-matay ang isyu tungkol sa pagiging third party diumano ni Julia sa hiwalayang Gerald at Bea.

Nagsimula ito nang isang netizen ang nag-upload ng larawan nina Gerald at Julia nang dumalo sila sa 30th birthday celebration ni Rayver Cruz sa isang high-end bar sa Bonifacio Global City, Taguig, noong July 20, Sabado.

Matapos nito, isang cryptic post ang ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram account kung saan hinihinala ng netizens na nag-ugat ito sa sighting nina Gerald at Julia.

Nagkataon ding kakahiwalay lamang ni Julia sa nobyo nitong si Joshua Garcia.

Sa isang panayam ay itinanggi nina Julia at Joshua na may kinalaman si Gerald sa kanilang breakup.

Pinalagan naman ni Marjorie Barretto ang pagdadawit sa kanyang anak na si Julia sa gusot nina Bea at Gerald dahil harmless photo lamang daw ang nai-upload ng netizen.

Pati ang ate ni Julia na si Dani Barretto ay nakisali rin sa isyu.ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW 

Sa kabilang banda, ang mga tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto ay nagpaabot naman ng suporta kay Bea.

May long-standing rift pa rin ang Barretto sisters.

Nito lamang Biyernes, July 26, umamin si Bea na wala silang formal breakup ni Gerald dahil hindi na lamang daw siya basta kinausap ng nobyo. 

Binansagan naman ng netizens na “ghosting” ang ginawa ni Gerald kay Bea.

Sa kasagsagan ng kontrobersiyang ito, nananatiling tahimik si Gerald.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here