Marjorie Barretto asks for prayers for ailing father

0
53

Humihingi ng dasal si Marjorie Barretto, 45, para sa paggaling ng kanyang ama na si Miguel Barretto, 82.

Ibinahagi ni Marjorie sa social media na malungkot ang kanilang pamilya ngayon dahil isang linggo nang nasa ospital ang kanyang ama.

Hindi idinetalye ng aktres kung ano ang karamdaman ng ama.

Pero kuwento niya, isinugod nila sa ospital ang ama sa mismong araw ng birthday celebration nito noong nakaraang linggo.

“Exactly one week ago today, we were celebrating my Dad’s 82nd birthday over lunch in my house,” lahad ni Marjorie sa kanyang Instagram account nitong weekend.

“Right after the blowing of the candles on his cake, he took a nap and fell very ill.

“My siblings and I rushed him to the nearest hospital, i could say it was the scariest time for us all.”

Simula noon ay wala na raw tigil ang pagpunta ng kanilang pamilya sa ospital bunsod ng kalagayan ng ama.CONTINUE READING BELOW ↓

“After that day, its been a series of ambulance transfer, family meetings, non stop praying, and big family gatherings at the ICU waiting area.

Malaki naman daw ang kanyang pasasalamat sa mga nagpaabot ng suporta.

“All throughout this ordeal, a lot of love and support has been shown to us, most especially to our wonderful Dad.”

Sa kabila nito, inamin ni Marjorie na mahirap ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya, kaya humiling siyang ipagdasal ang kanyang ama para sa paggaling nito.

“Im just feeling sad today, realizing its been a week, and I guess we are all emotionally and physically tired, but our faith, hope and unity as a family is stronger than ever.

“May I kindly ask for more prayers for our Dad. That he gets better soon. And that God willing, we get to spend more birthdays with him”

Nagpaabot naman ng suporta ang ilang showbiz friends ni Marjorie kagaya nina Sunshine Cruz, Edu Manzano, Arlene Muhlach, Vina Morales, at Isabel Oli.CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ng post ni Marjorie ay ang mga larawang kuha mula sa birthday celebration ng ama na ginawa sa bahay ng aktres.

Kasama rito ang mga anak ni Marjorie, ang kanyang mga kapatid, at iba pang kamag-anak.

Pero wala rito ang ina ni Marjorie Estrella Barretto, gayundin ang bunsong kapatid na si Claudine.

Hindi lingid sa showbiz na may hidwaan sina Marjorie at Claudine, na kakampi ngayon ang isa pa nilang kapatid na si Gretchen Barretto.

CLAUDINE’S POSTS ABOUT DAD

Samantala, simula pa noong nakaraang linggo ay nagpu-post na ng mga larawan si Claudine tungkol sa pagkaka-ospital ng ama.

Nag-post din ng mga larawan si Claudine kasama ang inang si Estrella, at iba pang mga kapamilya at kamag-anak.

Pero hindi kasama sa mga larawan si Marjorie o ang kanyang mga anak.

Sa comments section, sinagot ni Claudine ang ilang netizens na nagtatanong kung magkaaway ba sila ni Gretchen.

Tiniyak ni Claudine na maayos ang relasyon nila ni Gretchen.

Samantala, hindi naman sumagot si Claudine sa mga netizen na nagtatanong kung dadalaw ba sa ospital si Gretchen, na matagal nang may hidwaan sa kanilang mga magulang.

Hindi rin sinagot ni Claudine ang mga tanong ng netizens kung kailan sila magkakasundong magkakapatid.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here