Harlene Bautista devastated over death of mentor Tony Mabesa

0
11

Tigib ng luha si Harlene Bautista habang pinapanood ang pagpupugay sa yumaong film actor-theater director na si Tony Mabesa, 84, nitong Oktubre 6, Linggo ng gabi, sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City.

Parang nawalan siya muli ng ama.

“Oo,” pag-ayon ni Harlene nang makausap ng (Philippine Entertainment Portal) kapagkuwan, bakas ang malalim na pagdadalamhati.

“Di lang ako, kaming lahat na mga anak niya sa Dulaang UP. Sobrang… devastated kami.

“Kasi, alam mo, kahit noon, noon, noon, noong nag-aaral pa kami, lagi naming sinasabi, ‘Sana, hindi siya mamatay, ‘no?’

“Siyempre, lahat naman tayo, mamamatay, di ba?”

Noong early ‘90s pa iyon…

“Parang ang dream namin, huwag siyang mamatay. Kasi, sobrang love namin siya, and sobrang love niya kami.

“Kagaya ng sabi kanina, he’s so generous. And… ano, tatay talaga namin siya.”

Napakasakit tanggapin na wala na si Tony, na nagtiwala nang lubos sa kakayahan niya bilang artista sa teatro.↓

“Oo, masakit. Nagsa-shower ako, iiyak ako. Para talaga akong namatayan ng magulang.

“Kung paano ako noon, noong namatay ang mama ko, namatay si Papa, ganoon.

“From nowhere, iiyak ako. Pag nagda-drive ako, iiyak ako. Liligo ako, iiyak ako.

“Hindi ko mapigil, kasi, ganoon ko siya kamahal. At ganoon niya ako minahal din.”

PRODUCING A FILM FOR TONY

Sa dinami-dami ng mga “anak” ni Tony sa teatro, bukod-tangi si Harlene na nagprodyus ng pelikula para rito.

Si Harlene lang ang nagbigay ng pagkakataon para magbida si Tony sa Rainbow’s Sunset, kung saan itinanghal itong best supporting actor sa Metro Manila Film Festival 2018, at best actor sa 42nd Worldfest Houston Film Festival katuwang ang co-star na si Eddie Garcia.

“Sana… sana talagang naging happy siya roon,” pagngiti ni Harlene na magkahalo ang tamis at pait.

“Alam ko naman, naging happy siya. Pero… iyon nga, e, parang ang lungkot lang.

“Parang isinabuhay nila, sila ni Tito Eddie… nauna si Tito Eddie. Sumunod… so, iyon.

“Alam ko, happy siya na nagawa namin iyon.

“Noong sinabi sa akin nina Direk Joel [Lamangan] iyon, hindi ako nagdalawang-isip. Kasi, even before, gusto kong gumawa ng something for him.

“Para lang masuklian ba… Gusto kong gawin kung ano iyong gusto niyang gawin. Parang ganun.”

THE LAST MOMENTS

Huling nagkita sina Harlene at Tony sa birthday dinner ni Direk Joel Lamangan noong Setyembre 21, Sabado, sa Alba restaurant, Morato Avenue, Quezon City.

“Kahit madalang kaming magkita, talagang very fatherly iyong love,” malumanay na lahad ni Harlene.

“Mararamdaman mo yun.”

Hindi na nasilayan ni Harlene na conscious si Tony noong Oktubre 4, Biyernes.

Aniya, “Si Adriana lang ang nakausap niya that afternoon.

“I was from a meeting in Pasay, nagda-drive ako, sa gitna ng traffic sa EDSA, tumawag si Allan Palileo.

“Tumawag sa akin. Ang sabi, nag-cardiac arrest si Sir Tony.

“Sila, nasa rehearsal sa UP. Sabi ko, ‘Sige, ako, pupunta. Pupunta na ako roon.’

“Pagdating ko sa Philippine Heart Center, wala siya sa ICU dahil may procedure na ginagawa sa kanya.

“So, iyon. Mula noon, tuluy-tuloy na.

“Then, nakita namin siya after the procedure. Pero… laging nire-revive. Laging nire-revive.

“So, iyon. Sabi ko, kailangan, baka puwede nang magpatawag ng pari, for the anointing of the sick.

“Magiginhawahan siya roon. And buti na lang, si Candy Pangilinan, nakahanap siya ng pari.

“Nandoon kami, marami kaming mga anak niya… Nire-revive. Na-revive…

“Tinanong ko iyong doktor kung puwede nang ma-anoint. So, pumayag.

“And then, dinasalan namin. In-anoint siya.

“Parang nag-stable siya. Mga 10 o’clock [P.M.] na yun, or before 10 o’clock. ‘O, sige, kumain na muna tayo.’

“’Tapos, sabi ko, ‘Naku, ganyan ‘yan! Ang papa ko, ganyan, e!’ ↓

“Noong nag-dinner kami, noong lumabas kami, paglapag ng pagkain, tumawag sa akin, pinababalik na ako.

“True enough. True enough! Ganoon ang nangyari.

“Pagdating namin ng Trellis, pagka-order namin… iyon nga, may tumawag, sinabi na hindi na maganda.

“Hinayaan na lang namin sa family ang moment na yun. Pero that time, nandoon si Candy, si Francis.

“Nag-order na kami, hindi kami makakaalis. Kumain kami.

“After nun, bumalik kami. Wala. Wala. Wala nang mga tubo.

“So… iyon… it’s ano. Ganoon talaga.

“Hindi naman puwedeng matupad iyong dream namin na hindi siya mamatay.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here